Sunday, July 27, 2008

nais ko

masyadong napahaba ang aking tulog. nakalubog na ang haring araw, di manlang nakita ang pamamaalam nito sa akin.

tinapos na ang lahat ng takdang aralin bago pa man ihiga ang ulo sa malambot na unan. tapos na ang napaka habang takdang aralin sa calculus, naiprint na ang aking proyekto sa economics at sa cle.

wala ang aking ama sa bahay. kahapon pa. siya ay dumalo sa reunion ng kanyang mga kaklase noong hayskul sa Saint Andrew's School. hindi ko alam kung saan sila nagkita. basta lumakad silang magkakaibigan.

hindi ko alam kung bakit hindi kami natuloy kaninang umaga sa gateway. tinamad ata ang aking ina. hindi tuloy ako nakabili ng aking "load". buti na lamang umalis ang nakatatanda kong kapatid. nakipagkita na naman siya sa kanyang kasintahan. salamat kuya sa "load".

paggising ko, wala na sa tabi ko ang aking ina. hinanap ko siya tulad ng isang bata. natakot na walang sumagot ng siya'y aking tawagin. hindi ko alam kung bakit ako nagkaganoon. sa mali pang bahagi ng kama ako nagising.

ako'y bumangon at pumunta sa computer. pinagdaanan ko na naman ang mahabang proseso ng pagbubukas nito. nakakapagod na ngunit wala akong magagawa. ganoon talaga iyon.

katulad ng parating ginagawa sa computer, bubuksan ang ym, multiply, at blog. natuwa ako sa kung sinuman ang naglagay ng nais ko sa multiply ng aming klase. salamat sayo. kailangan natin iyon para sa periodical sa music. sinisimulan ko ng sauluhin ang kanta. kayhirap, pero kakayanin.

nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay

walang kwenta ito. ALAM KO. wala ako masyado sa tamang katinuan.

hindi ko na alam kung ano pa dapat ang maramdaman. dapat bang matuwa dahil buhay pa rin ako? kainisan si gloria dahil may pasok pa rin bukas kahit sona?

ewan ko ba. ang gulo ng buhay ko. parang wala akong patutunguhan. ibang tao, gusto maulit pa ang buhay nila para mabalikan ang mga hindi niya nagawa at maitama ang mga kamalian niyang nagawa noon. ako? hindi na. ayos na sa akin ito. kung gaano man kaikli ang buhay, sana pa umikli pa. ang pangit talaga ng paraan ng pag gana ng utak ko. masama na ito.

masyado na rin ata mahaba ito. ititigil ko na ang mga walang kabuluhang pinagsasabi ko.

No comments: