Saturday, February 21, 2009

THESIS = STRESS.

been awake for 24 hours :| first time. bwisit na thesis yan. nagentrep ng buong araw, pumunta kila bea, naglaptop ng naglaptop, naghatid ng groupmates sa bahay nila, nagcomputer na naman. wala akong pahinga. ilang beses chineck ni daddy para matulog pero hindi pwede. sa akin nakasalalay yung pagtatapos ng thesis namin eh.

nakakapagod talaga na araw. ASSISTANT MANAGER ako ng piacevole, pero HEAD DISHWASHER. nakakaiyak kanina. naghuhugas ako ng plato ng hindi ako pinapaghugas sa bahay namin. kung maghuhugas man sa bahay, minsan lang sa isang buwan :| anyway, tapos na. naghugas na ako't lahat.

naghihintay lang ako ng saglit para mag-ayos na at pumunta sa school para sa COLC. mass na naman :| joke. ewan ko kung ano meron ngayon at may mass.

ako lang gising dito sa bahay. nakakaiyak :(

defense nalang ng thesis namin ang hinihintay at periodical :/

goodbye taro :(

Wednesday, February 18, 2009

SA AKING PAGLISAN

pinoy theme.

Kay gandang pagmasdan na sa darating na katapusan ng Marso ay mayroon na namang pangkat ng mag-aaral mula sa aking paaralan ang magtatapos. Maraming estudyante ang magsusuot muli ng toga at tatanggap ng kanyang pinaghirapang diploma. Ilang linggo bago ang nakatakdang pagtatapos ay naghahanda at nagsisipagensayo ang mga mag-aaral para sa kanilang espesyal na araw. Muli nilang bibigyang buhay ang entabladong nagsilbing tahanan nila sa maraming taon. Pilit nilang pinapaganda ang selebrasyon upang maging perpekto ang araw na sila ay huling magsasama-sama. Ang mga ngiting makikita sa mga mukha ng mga magtatapos ay walang kasing halaga. Ang hindi lamang alam ng ibang tao ay sa bawat ngiting ipinapakita ay mayroong luhang katumbas. Masakit mang isipin, kami na pala ang mga mag-aaral na magtatapos at aakyat sa aming entablado sa huling pagkakataon.

Napakahirap kalimutan ang mga taong naging bahagi na ng aking buhay. Sa loob ng napakahabang panahon ay sila ang nakakasama sa araw-araw na pagpasok sa eskwelahan. Ang mga kaklase kong kasama sa tuwa at sa lungkot, sa hirap at sa ginhawa. Sila ang nagpapasaya sa araw na puno ng hirap dahil sa tambak na mga leksyon na dapat aralin. Sila ang mga taong dati-rati lamang ay kasama ko pang nagpapadulas sa playground. Ngayong ay kasabay ko ng namimili ng kolehiyong nais pasukan. Tila kahapon lamang pleated pa ang gala na ating sinusuot, ngayon ay kailangan na nating gumamit ng sapatos na may matataas na takong. Napakabilis palang dumaan ng panahon. Kanina lamang ay alas siyete ng umaga, ngayon ay uwian na pala.

Ang daming ala-ala ang hindi ko malilimutan. Mula sa unang pagtapak natin sa hayskul, hanggang sa huling pamamaalam natin. Ang huling taon sa hayskul ay ang pinakamasaya at pinakamalungkot. Noong una ay sabik tayong lahat matapos ang taon at maging kolehiyo na. Ngunit ng mabilis ng dumarating ang mga huling araw, nais nating tumigil ang oras at balikan ang dati. Isa sa mga tiyak akong hindi malilimutan ng lahat ay ang unang beses tayong nagbatch retreat. Masaya ang lahat dahil dati lamang tayo ang nanunuod sa mga seniors, ngayon ay tayo na ang mga nakapila at kumakanta tuwing Biyernes. Sumunod noon ay pagsablay. Kung hindi tayo late, atat naman tayong magsimula. Nanalo tayo sa intrams. Nanalo tayo sa huling cheering. Sa huling pagkakataon, nakita ko na nagkaisa tayo sa mga araw na iyon. Ang siyam na pu't pitong puso't isipan ay nagkasama sama. Paano nangyari iyon? Wala akong alam na siyentipikong pagpapaliwanag. Basta ang alam ko ay mahal natin ang isa't isa.

Sa mga huling araw na tayo ay magsasama sama, sana ay puno ng saya ang ating mga mukha. Panay ngiti sa mga labi ang matutunghayan. Walang may gusto na tayo ay magkahiwahiwalay. Ngunit ito ay kailangan para tayo ay lalo pang mahubog at maging mabuting tao. Iba iba man ang landas na atin na'y tatahakin, ilagay sa isipan na kayong lahat ay may espesyal na parte hindi lamang sa puso ko, kung hindi ay sa buong buhay ko. Salamat sa magagandang ala-ala na babaunin ko sa aking paglalakbay. Salamat sa lagi niyong pag-akay. Salamat sa pagkakaibigan na walang kapantay. Salamat sa lahat.

Ngayon na ang huling beses nating susuotin ang polo't paldang ito. Ngayon na ang oras na magkakalayo layo. Ngunit hindi kailanman malilimutan ang pagmamahalan na nabuo para sa isa't isa.

Saturday, February 14, 2009

CSB RESULT

SEARCH RESULTS

Congratulations! You have been accepted.

Case No: 1145
Name:
Status: Accepted
School:
Degree: Bachelor of Science in Business Administration, Major in Computer Applications

weeeee. i passed DE LA SALLE - COLLEGE OF SAINT BENILDE :) as if i'll be going there :D

I'M SOOO HAPPY I PASSED:
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
UNIVERSITY OF ASIA AND THE PACIFIC
UP - DILIMAN
UNIVERSITY OF STO. TOMAS
DE LA SALLE UNIVERSITY
DE LA SALLE - COLLEGE OF SAINT BENILDE


weeee. i passed so many exams, i don't know where to go :|

anyway, i thank GOD.

FEBRUARY 13.

somehow, happy day :)

ENGLISH: EULOGY OF ROACHES >:)) (nasty)
COMPUTER: photoshop-ing :)
TLE: 25-item test. SCORE: 11 :))
FILIPINO: THEME WRITING on PAGTATAPOS (sa aking paglisan.. :|)
CLE: boring lesson with father
CA: SECOND PLATOON! "soldier down! soldier down!" :)
MATH: tumi-t-test at zumi-z-test kami :))
PHYSICS: 2ND TEST RESULT and another test :)
ECONOMICS: leche siya :|


so un, good morning cockroach naman kami :) pero ayos ln naman. ang astig nung poem :))

walang kasing saya na photoshop sessions with my singing buddies :D

TLE? aysows. leche un. para naman kasi may balak ako magkahera db? 11/25 tuloy ako. hahah. anyway, tle ln yan :P

pinoy time is writing time. tungkol sa pagtatapos :| pagagandahin ko nga un akin :(

CLE TIME. BORING. 'NUF SAID :)

CA. puma-platoon na kami. hahah. i know late. kaso, wala ln. masaya pa rin ako :) at least nakapag ganyan kami :)) benta ng second platoon ehh. SECOND PLATOON = BEST PLATOON. syempre bias. nandun kasi kami nila haha at faye :)) tapos sa monday, mag "pu-pugay may!" na kami :) happy much :D

MATH - masaya kasi nagcacalculator kami. hahah. weird lang :)

PHYSICS! highlight toh men :) nakuha ko yung second test ko na hindi take home. as in sa school sinagutan. 28.5 score ko! oh hail! :) over 30 un. beat that. hahah. sobrang saya lang. first time ata na ganun score ko pag on the spot un test :) ume-excellent pa ko sa problem solving :) perfect ko un 20 points. hahah. sa conceptual nagkaloko :) 3 lang nakakuha ng tama sa isang problem at proud ako na kasama ako dun :) 9/10 pa ko sa short quiz :))

ECOTIME is bllsht. leche. hindi ko naman gusto na lumabas at hindi makapagtest. gago pala siya eh.

4:05 - BATCH RETREAT
unang beses na on time kami :) isa sa huling batch retreat na namin :|

yun lang naman. masyado lang ako masaya :)

Thursday, February 12, 2009

FEBRUARY 12.

busy day.

PHYSICS CHAPTER TEST
MATH TEST
TELL-THE-PERSON-DAY
BASKETBALL DAY
INSPECTION DAY
THESIS DAY(everyday naman eh :|)

kung kelan pumasok si bea, tsaka naman nag-absent si kolleen :|

bwisit na physics test yan. LUNCH TIME = REVIEW TIME. kung di ko kasi natulugan un pag-aaral kagabi.

so hanggang ngayon, hindi parin niya alam. hahah. POSTPONED YET AGAIN.

dahil BASKETBALL DAY, boarding time na naman ng bernadette :))
we-ma shoot some hoops :)) buma-basketball kasi ako :D

OHYEAH. ang saya tignan ng mga mukha ng second year kanina :)) parang mga takot ang karamihan dahil sa "SURPRISE INSPECTION" na kumalat :D the look on their faces was PRICELESS >:) meanie - MUCH.

FRIDAY NA BUKAS AT 13. SA SATURDAY 14 NAAAAA :| PATAY.

bahala na nga lang ang justice league sa akin bukas :/


HINDI MASABI. LOSER MUCHHH. LAGI NALANG TUMATAKAS :|

Monday, February 9, 2009

HOW DID I KNOW I WOULD FALL IN LOVE WITH YOU SO SOON?

not in the mood.

what a crappy day. i don't know if i should tell that person how i feel. oh hell. i have no idea what i should do or how i would open up. i already know how that person feels, but i'm not sure if it's the truth. oh crap. if i confess, i think that person might and eventually distance himself from me. MAJOR crap.

WHO DO YOU TELL WHEN YOU LOVE SOMEONE?
HOPING THAT SOMEONE'S IN LOVE WITH YOU.
WHO DO YOU TELL WHEN YOU LOVE SOMEONE?
I THINK I MIGHT AS WELL TELL YOU.

should i tell that person? :|

Sunday, February 8, 2009

Soon to be Seniors’ Survival Guide in making the last LAST

Welcome to what could be the best experience in your life!

And the most heartbreaking.



The life of a Senior is filled with the absurdity of an irony

but with the beauty of the truth.

You get the best of both worlds.

It is the best of times. It is the worst of times.

It is a beginning and an end.

It's a year full of exhilarating firsts and unforgettable lasts.

It is filled with laughter and with tears.

It's the year everyone looks forward to but once you're already there,

you'd rather go back to the times when you let the days just pass by.

It's when you're old enough to ride a motorcycle

but still young enough to cry your eyes out when you fall down.

It's the moment to laugh the last laugh that will bring tears to your eyes.

It's the end of an exquisite chapter.

Another one is waiting to unfold.



Your last year in high school is probably going to be your toughest year yet.

More is going to be expected of you.

You have to be up for the challenge.

You have to rise above the obstacles that may come your way.

You have to show a strength so compelling that it inspires others,

a wisdom so illuminating that it enlightens others

and a friendship so genuine that it connects others.

Be not afraid to take risks.

You'd rather have a lot of embarrassing stories to share

than regret not having enough experiences to tell when it’s all said and done.

Don’t forget the faces around you.

You may never see them again.

Enjoy the last of your high school years while you still have the time.

You shall never pass this way again.

It is the only chance you're going to have to actually be a kid before you grow up.



Just because we are the Seniors and you are the Juniors doesn't mean that we didn't learn anything from you.

Every time we see your batch, it was as if it was only yesterday when we occupied the classrooms you now call your own.

You remind us of the days when we were still in your place.

You unconsciously connect us back to our past and to the things that used to be.

Without any words being said, you make us think twice of our actions.

You motivate us to be in our best behavior for we know that you look up to us as your big sisters.

You remind us to always set good examples to everyone else around us.

Because of you,

we have become the Seniors that we are today.



We thank you for the respect and admiration you have shown to us.

Thank you for the amazing friendship that we have shared.

Thank you for allowing us to become a part of your lives as much as you have been a part of ours.



As you take our place as Seniors, we cannot hand you down the portrait that we have painted through the years.

We can only provide you with a blank canvas.

You have to create a masterpiece of your own.

The floor is yours.



You'll never know what it's like to be a Senior

until you become one.



Enjoy your last year.

You have no idea how fast it goes.

Take it from us:

It will be OVER sooner than you think.

Friday, February 6, 2009

CURSE-BREAKER DUDES.




For SEVEN years, there has NEVER been a championship trophy awarded to the GRADUATING class.

With this, I dare you not to be amused with the final performance of the class of 2009 who will be making HISTORY on this very day.

After all, that's what this batch was DESTINED to become, to do what was perceived to be IMPOSSIBLE.

For the seniors, to gain the RESPECT and admiration of their COMPETITORS, that's their TROPHY.

To dance, yell and cheer for GOD'S greater GLORY, that in itself is their VICTORY.

Whether this year will be theirs or not, the Seniors are grabbing this once in a lifetime CHANCE to BRING BACK THE PRIDE this 2009.

Watch them ONE LAST TIME in the place they have considered their STAGE before they finally TAKE FLIGHT.

It's SHOWTIME!

Ladies and gentlemen, for their FAREWELL performance, the MIGHTY SENIORS!





they said they will watch our defeat. but what happened? we proved them wrong. i have seen and felt how our batch became one the moment we stepped on the field, on our very own stage. i am very proud to be in this batch, the batch that is imperfect yet stays true. i love you SENIORS :) only two months left before we go our separate ways.

i quote the eximius, "NO GOODBYES, JUST SEE YOU AROUND."