Saturday, March 7, 2009

Sabayang pagmamahalan sa kahuli-hulihang taon ng pagkakaibigan.

ANO BANG MERON SA BERNADETTE?



Sa bernadette lang naman matatagpuan ang tatlumpu't tatlong estudyante na marunong magbasa at magsulat. Ngunit kadalasan mali-mali ang pagbasa ng ilan kaya napagtatawanan at tinatamad kumopya ang karamihan kaya sa mga leksyon ay napag-iiwanan.



Iba't ibang klase ng estudyante ang matatagpuan sa Bernadette.

mga tahimik pero nasa loob ang kulo

mga nerd na nananakawan ng notebook lalo na tuwing exam

mga crush ng bayan na laging may autograph signing sa grade school

mga chikadora na chumichika tuwing wala pang teacher

mga clown na kung ano-anong pagpapatawa ang ginagawa (gawin ba namang backpack ang shoulder bag)

mga taong creative, matulungin, palakaibigan, masayahin at mabait

mga teenager na parang bata pa rin kung umasta

yan at marami pang iba ang mga taong makikilala mo sa bernadette.



Ang bernadette na siguro ang pinakamalaking silid-aralan sa buong eskwelahan ngunit sa kasamaang palad, ito marahil ang pinakamakalat. Kahit anong gawing ayos dito ay hindi pa rin lumalabas ang likas na kalinisan ng klasrum na ito.



Sa bernadette makikita ang mga dakilang estudyanteng "procrastinator". Ginagawa nila ang mga gawaing-bahay sa eskuwelahan at tinatapos nila ang mga proyekto bago mag-deadline.



Madalas marinig ang salitang "bernadette" sa loob ng faculty room. Maraming mga guro ang nakakapansin sa kaingayan, kapilyahan at kakulitan ng mga batang ito.



"Pugad ng mga sleepyheads", yan ang bernadette. Mga laging tulog kapag may klase lalo na pag hapon. Mga ginigising na hindi naman nagigising.



At higit sa lahat, ang hinding-hindi makakalimutan ay ang mga nakakatawa at masasayang alaala na araw-araw nagaganap sa loob ng apat na dingding sa pinakadulong klasrum sa third floor.



Ito ang mga sumusunod:

(insert jokes here)



Nakakatawa hindi ba? Ngunit hindi sa lahat ng oras ay masaya ang buhay. May mga pangyayaring parte ng buhay na hindi maiiwasan, tulad ng paghihiwalay at pagpapaalam.



Sa ating pagtatapos ng high school,

marami akong mamimiss sa bernadette.



Mamimiss ko ang mga oras na nangangarag tayo tuwing periodical exam.

ang pananakit ng mga paa natin tuwing friday dahil sa pagsusuot ng heels

ang pagtakbo natin at paghahabulan kahit naka-heels

ang hiraman ng nailcutter tuwing may CA

ang ngongo nating mga pangalan

ang pagtitinda natin ng taho sa mang berting's tauhan at iba pa

ang paulit-ulit nating panonood ng camp rock

ang wala sa timing nating flag retreat tuwing Friday.

noong una ay nalate tayo. sumunod naman, nauna tayo. ano ba talaga?!?



Higit sa lahat, hindi ko makakalimutan ang pagkakaibigang nabuo sa st. bernadette.

ang mga simpleng ngiting tagos sa puso

ang mga tawanan at halakhakan na nakakapagpasaya

ang mga mahihigpit na yakapan, pabiro man o hindi

ang mga holding hands at akbayan

ang pagtutulungan at pagbibigayan

ang pagdadamayan kung ang isa ay may problema

at ang pakiramdam sa bernadette na

"wag kang mag-alala,

andito lang ako,

masaya ka man o malungkot,

kasama mo ako."



Salamat salamat salamat!



Sabayang pagmamahalan sa kahuli-hulihang taon ng pagkakaibigan.


Mamimiss ko kayong lahat kahit nakakabadtrip mukha niyo!

No comments: